ni Sol D. Penuela
salaysay ni Renon Angelo V. Sobreviñas
Panay. Isang pulo kung saan masisipag at matitiyaga sa buhay ang mga tao kung kaya naman sila ay namumuhay ng masagana. Kaya hayaan ninyo akong isalaysay sa inyo ang isang kawili- wiling alamat na sigurado akong magugustuhan ninyo.
Ito’y isang alamat na nagmula sa bayan ng Lambunao na sakop ng Iloilo. Sa Nagong, isang magandang binata, mahinahon, magilas, malakas at higit sa lahat maganda ang kalooban. Siya rin ay isang matulunging anak kung kaya nga siya’y nagtatrabaho para makatulong sa pag- iipon ng kanyang ina. Mula sa buong araw na pagtatrabaho, siya ay umuwing pagod at matamlay ang katawan. Ngunit habang binabagtas niya ang daan pauwi ay bigla siyang napahinto sa nakasalubong at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Isang malabathalang dilag ang kanyang nakasalubong. Isang Diyosa, marilag na Agat ang pangalan. Sa una nilang pagkikita ay mayroon na silang naramdaman na kakaiba para sa isa’t isa. Tila ba’y nag- uusap ang kanilang mga mata. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Ilang sandali pa ay natauhan na ang dalawa at muling naglakad si Agat habang ang mga mata naman ni Nagong ay nakatitig pa rin sa dilag. Titig na tagos sa puso hanggang sa kalamnan.
Mula sa pagtatagpo ng kanilang mata ay nagsimula na ang isang mahiwagang pag- iibigan. Tila wala nang paglagyan ang kanilang umaapaw na kaligayahan. Tila walang katapusang pagmamahalan.
Isang hapon, nalaman ng ama ni Agat ang tungkol kay Nagong. Pinagbuhatan siya ng kamay ng kanyang ama. Biglang dumaloy ang luha sa mga mata ni Agat at tinanong ang anyang ama, “ Ama, ang umibig ay kasalanan ba? Ako baga kay Nagong di na liligaya?” Inalipusta ng kanyang ama si Nagong at hindi man lang pinagbigyan ng pagkakataon ang binata na maipahayag ang kanyang tapat na pag- ibig para kay Agat. At kinulong ng ama ang kanyang anak sa kanilang tahanan at mahigpit nitong binantayan mula umaga, tangahali hanggang gabi.
Paghiwalayin man si Nagong at Agat ng pagkakataon, pilit pa ring uusbong ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Sabi nga nila, kung ang pag- ibig ay totong tapat, handang suungin ng lahat ang anumang humarang sa kanilang pag- iibigan kahit ito’y humantong pa sa kanilang kamatayan.
Isang gabi ay nag- isip si Nagong ng mga hakbang upang mailigtas si Agat. Hangad na tuparin ang kanyang mga balak, siya ay tumungo sa tahanan ni Agat. Sa kanyang landas, nakasalubong niya ang ina ni Agat. Ibinalita ng ina na nawawala si Agat sa kanilang tahanan. Kaya biglang naghanap si Nagong sa kanilang bayan. At humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan upang mas madaling mahanap ang dilag.
Nabulabog ng dumadagundong na tinig ni Nagong ang mga hayop sa kagubatan. At sa ilog kung saan sila nagkikita ay muli niyang natagpuan ang kanyang iniirog na si Agat. Hindi na sila nag- aksaya ng panahon, muli nilang hinagkan ang isa’t isa. Mula doon ay nangibang bayan na silang dalawa at nagsimula ng panibagong buhay.
Muli ay nagsama silang masaya. Hawak- kamay nilang hinarap ang lahat ng unos sa buhay kahit gaano man ito kahirap.
Ngunit, sadya nga sigurong mapagbiro ang tadhana. Si Agat ay dinapuan ng isang matinding sakit. Hindi naglaon, hindi na nalunasan pa ang kanyang sakit at tuluyan na siyang lumisan. Ilang araw ring pinaglamayan ang kanyan katawan sa kanilang tahanan. At ang pangyayaring ito ang nagdulot kay Nagong ng matinding kalungkutan.
Mula nang inilibing sa Agat ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang bantayan ang puntod ng kanyang abang minamahal. Hanggang dumating ang araw na napabayaan na niya ang kaniyang sarili at nagkasakit. Hindi rin naglaon ay tuluyan na rin siyang namaalam at inilibing ang kanyang katawan katabi ng puntod ni Agat.
Ang pook na kanilang pinaglibingan ay naging ilog pagdaan ng panahon. Ang nasabing ilog ay simbolo ng dalawang pusong nagmahalan ng tapat at tunay. At ito ang pinagsimulan ng TINAGONG- DAGAT.
Dito nagtatapos ang alamat. Ngunit sana ay marami kayong napulot na mga aral sa buhay. At kung kayo man ay mabibigyan ng pagkakataon ay maaari ninyo sanang dalawin ang TINAGONG- DAGAT ng Lambunao, Iloilo.
***
Hi. Can i use this?
ReplyDeletesure
Delete