I may not be a good friend, but i will never be a bad son to my mom

we will never know when a good friend turns into a deceitful asshole

Tuesday, July 13, 2010

Ika- 22 ng Marso, 2009





Naging tradisyon na marahil ng aming barkada ang magtungo sa mga beach resorts o kahit saan basta malapit sa kapaligiran tuwing bakasyon pagkatapos ng napakahirap buhay- estudyante. At ngayong taon, sa Ambakan Falls, Guimaras kami nagpunta. Ilan taon na nga rin nang huli akong nagtungo sa Guimaras.

Habang sumasakay kami sa bangka, nakita ko kung gaano kaganda ang dagat sa pagitan ng Iloilo at Guimaras. Tanaw ko mula sa bangka ang mga nagtataasang mga puno sa Guimaras. Pero maya- maya pa, may mga lumulutang na sa dagat na kakaiba. MGA BASURA! At sinundan ng tingin ko ang pinanggalingan ng mga basura at nakita ko ang tumpuk- tumpok na kabahayan. Isang squatters area. Nakapanlulumo nga ang nangyayari sa ating kapaligiran. Nakaka-awa.

Mula sa daungan ng bangka ay nilakad lang namin papunta sa Ambakan Falls. At makikita mo na unti- unti nang isinasa- ayos ang mga kalsada sa Guimaras. At nang nakarating na kami sa nasabing talon, napamangha ako sa aking nakita. Ang napakaganda ng kapaligiran. Napakatahimik. Napakasarap pakinggan ang mga nag- aawitang ibon. Ang sarap ng haplos ng hangin sa aking katawan. Tila ba tinatawag ako ni Inang Kalikasan. Tila ba gusto niya akong magpahinga sa kanyang mga bisig mula sa magulong buhay ko sa siyudad. Ang lamig ng tubig mula sa talon. Talagang makakapagpahinga ng maayos ang kung sino man ang gustong lumayo nang sandali sa magulo nilang pamumuhay sa siyudad.

Ngunit hindi ko maikukubli na marami akong nakitang mga basura sa ilang bahagi ng talon. May mga putol na puno rin akong nakita. Nakakatakot na baka sa susunod kong pagbalik doon ay tuluyan nang maglaho ang tinatagong kagandahan ng Ambakan Falls.

Habang kami’y nagpapahinga, ipinapanalangin ko na sana ay mapangalagaan ng mga residente ng Ambakan ang nasabing talon. Kaya nga kaming magkakaibigan ay tumulong sa pangangalaga nito. Lahat ng aming basura ay aming itinapon sa wastong basurahan. Marahil sa simleng bagay na yaon ay malaki na ang aming maitutulong para sa Inang Kalikasan.

Ipinangako ko sa aking sarili na kung may pagkakataon ay babalikan kong muli ang Ambakan. Isang pook kung saan mo matatagpuan ang hinahanap mong katahimikan.



Renon Angelo

1 comment:

  1. Jumaha Casino And Hotel - Mandiri, Ethiopia
    Mandiri, Ethiopia 안양 출장안마 (Jumaha-Tanzania) - This hotel is 김제 출장마사지 located in Mandiri, Ethiopia. See 포항 출장샵 reviews, 화성 출장안마 photos, 경주 출장안마 directions, phone numbers,

    ReplyDelete