I may not be a good friend, but i will never be a bad son to my mom
we will never know when a good friend turns into a deceitful asshole
Tuesday, July 13, 2010
Ika- 14 ng Pebrero, 2010
Mataas na ang sikat ng araw nang ako’y magising. Tila ang tahimik ng buong bahay. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog mula sa aking ceiling fan at ang tahol n gaming aso sa labas ng bahay. Inakala kong tulog pa si Mommy at ang aking kapatid, yun pala, nasa labas lang silang dalawa at nagtutulungang sa paglalaba.
Ang gulo ng aking kwarto ng ako’y nagising. Tila ba parang dinaan ng bagyo! Kahit saan lang nakakalat ang aking mga kwaderno, libro at mga ballpen. Isang senyales na marami pa akong dapat ayusin sa araw na ito.
Wala akong ginawa nang umagang yaon kundi ang magbasa lang ng libro at manood ng palabas sa telebisyon.
Mag- aalas siete ng gabi ng biglang may narinig ako mula sa labas ng bahay. “Tag- balay! Ren?” Si Ian Floyd, malapit kong kaibigan, ang tumatawag sa akin. Muntik ko na nga makalimutan na anibersaryo na pala ng aming barkadahan ngayong araw! Limang taon na kami! Limang taon na ang CRIZAM! At nagbihis ako at sinundo namin sina Crisandro, Zhjan, Juvy Ann at Maricar para ipagdiwang namin ng sabay- sabay ang aming anibersaryo.
Sa aming daanan, marami akong nakitang mga taong hindi ko kakilala. Naglalakad ng mabilis na tila ba’y di alam ang paroroonan. Ang bilis ng pagdaan ng mga pampasaherong sasakyan, na tila ba’y nagmamadali sa kanilang papupuntahan. Marami na nga akong nakitang pagbabago sa aming lugar kahit ilang buwan pa lang ang nakalipas. Napagtanto ko, ang bilis talaga ng buhay.
At nang nasundo na ang lahat, sama- sama naming muling inikot ang buong Barangay na dati na naming ginagawa noong nasa high school pa kami. Habang naglalakad, marami kaming nakitang mga lugar na may magagandang alaala.
Meron kaming nakitang nagkukumpulang mga kabataan sa loob ng simbahan. Masayang nag- uusap, nagku- kwentuhan, nag- kukulitan. Naalala ko na minsan na rin kami ang naroon sa mismong lugar kung saan sila nagsasama.
Sa tindahan na lagi naming pinupuntahan, tanda ko pa ang puno na sumisimolo ng aming pagkakaibigan. Ngunit bakit unti- unti nang nalalagas ang kanyang mga dahon? Ano ang ibig nitong sabihin. napagtanto ko na ang aming pagkakaibigan ay tulad ng punong iyon. Ang tatag ng aming pagkakaibigan ay tulad ng katawan ng puno, mapalayo man sa kanya ang kanyang mga dahon ay mananatili pa rin itong matatag na kumakapit sa lupa at handang magsibol ng mga panibagong dahon para sa panibagong buhay. Ang aming pagsasamahan ay bukas sa mga pagbabago, marahil ito’y magiging mahirap sa simula ngunit handa kami sa anumang pagsubok na dumating. Anuman ang dumating na pagsubok, isa lang ang sigurado kami, ang mga iyon ang magpapatatag n gaming samahan.
Renon Angelo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment